180

Jan 18, 2021 @ 14:29
By

‘Sana lang walang manggulo ulit’: JV Ejercito handang mag-comeback sa Senado

Inamin ni dating Senador JV Ejercito na ang kanyang panahon sa Senado ang isa sa pinakamasayang parte ng kanyang buhay.

“I really miss working in the Senate. I miss one of the best years in my life, iba ‘yung fulfillment ko eh,” lahad ng dating mambabatas sa panayam ng ‘Balitaan at Kumustahan’ sa Politiko Live.

Ilan sa kanyang mga nagawa bilang senador ay ang pagsusulong ng Universal Health Care Law kung saan siya ang author, gayundin ang pagdepensa sa budget ng Build, Build Build program bilang vice-chairman ng finance committee.

Ang naturang aksyon ni Ejercito ay nagresulta sa pagsisimula ng proyekto para sa MRT-7, New Clark International Airport at mga bagong tren ng Philippine National Railways (PNR).

Kaya naman kung mabibigyan siya ng pagkakataon ay nais niyang muling makabalik sa Senado.

“Kung mabigyan ng pagkakataong makapaglingkod, bakit hindi?” saad ni Ejercito.

“Sana kung ako’y maalala pa rin ng ating mga kababayan, ako’y handa muling maglingkod sana sa susunod kung sakali.”

Nagpatama pa ito sa kanyang kapatid na si Jinggoy Estrada, kung saan sinabi niya na tingin niya’y pasok siya sa Top 8 noong nakaraang eleksyon kung hindi ito sumabay sa kanya sa pagtakbo.

“Sana lang wala nang manggulo ulit, palagay ko naman malaki ang tsansa natin,” pitik ni JV.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?