90

Oct 18, 2020 @ 20:09
By

Sana ‘di matulad kay Nasino! NUPL bumwelta kay Pialago

Pinalagan ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) ang naging pahayag ni Metro Manila Development Authority spokesperson Celine Pialago tungkol sa naging libing ng anak ni political detainee Reina Mae Nasino.

Saad ng NUPL. hindi nila hihilingin sa kahit sino na matulad sa sinapit ni Nasino, na hindi man lang nakasama ang kanyang anak matapos itong mailuwal dahil kasalukuyang nakadetine pa ang aktibista.

Hindi rin naabutan ng buhay ni Nasino ang tatlong buwan niyang anak na si River at pinayagan lamang ng korte na makalabas matapos na mamatay ng sanggol, na tatlong araw sana ngunit binawasan ng Manila City Jail dahil kulang umano sila sa tao para bantayan si Nasino.

“We assure the good Asec that we will do the same thing if she was in Ina’s position and circumstance,” ayon kay NUPL president Edre Olalia.

“To start with, we will never ever wish this horrible tragedy and injustice to visit the Asec, her mother, her daughters, her sisters and her aunts,” aniya pa.

Sa naging Facebook post ni Nasino, binanatan nito ang mga naaawa kay Nasino dahil aniya, hindi lahat ng nakakulong ay hindi nakakalabas para makapunta sa burol o libing ng kanilang kamag-anak.

“‘Yung mga sumisimpatya kay Reina Mae Nasino, pag-aralan niyo mabuti ang dahilan bakit siya nakulong at kilalanin niyong mabuti kung sino siya sa lipunan. Masyado ninyong ginagawang pang drama serye sa hapon ang paghihinagpis niya. Tigilan niyo!” giit ni Pialago.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?