33

Aug 5, 2021 @ 11:28
By

Sana all! Rihanna bilyonarya na!

Isa ng ganap na billionaire ang world-renowned singer na si Rihanna, ayon sa Forbes magazine.

Ayon sa Forbes, nasa $1.7 bilyon (P84 bilyon) na ngayon ang net worth ni Rihanna.

Gayunpaman, ang malaking bahagi ng yaman ng singer ay hindi nagmula sa kanyang mga awitin. Sa halip, nasa $1.4 bilyon nito ang nagmula sa kita niya sa cosmetic line na Fenty Beauty.

Sa tala ng Forbes, 50% ng Fenty Beauty ang pagmamay-ari ni Rihanna.

Bukod sa nasabing cosmetic line, nariyan pa ang lingerie company ng singer na Savage x Fenty na nagkakahalaga ng $270 milyon, na sinundan ng mga kita niya bilang singer at aktres.

Siya na ngayon ang pinakamayamang babaeng musikera sa mundo at pangalawa sa pinakamayamang babaeng entertainer sa mundo, sunod kay Oprah Winfrey.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?