282

Nov 27, 2021 @ 9:58
By

Sana all! Probinsyano nasungkit P378M Ultra Lotto jackpot

Nasolo ng mananaya mula sa Calapan City, Oriental Mindoro ang mahigit P378 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na binola kagabi, Nov. 26.

Sa kanilang Facebook page, inanunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na natumpak ng mananaya ang winning combination na 20-17-12-29-10-46 na may premyong P378,750,791.20.

Nagpaalala naman ang PCSO na sa loob ng isang taon mula sa petsa ng isinagawang draw ay maituturing na forfeited ang mga premyong hindi kinuha.

20% buwis naman ang ipapataw sa mga premyo o mahigit P10,000 batay sa TRAIN law o Tax Reform for Acceleration and Inclusion.

Binobola ang Ultra Lotto 6/58 tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?