131
Sana all! Pinay naka-selfie si Taylor Swift

Sana all! Pinay naka-selfie si Taylor Swift

Maghahanap lang sana ng souvenir items sa Loft Shiubuya si Robee Enriquez-Serrano, pero pinalad siyang makausap, mayakap, at maka-selfie ang American singer-songwriter na si Taylor Swift.

Kwento ni Serrano sa Instagram, hinihintay niya kasi ang mga kaibigan, kaya naisipan niyang lumibot sa top floor ng mall sa Tokyo, Japan.

View this post on Instagram

Met Taylor Swift while shopping at Loft Shibuya 😍 She’s so nice, nakipag usap and pumayag pa mayakap ❤ #WhenInTokyo *** P.S. for those who asked and interested to know the story 😄: While waiting for my friends, I went to the top floor of Loft Store to look for souvenir items. After around 5mins, may mga bodyguard na pumaligid sa room. Siguro dahil konti nalang kaming naiwan in the room kasama nila, hinayaan na nila ako makapagpa-picture and makipag usap kay Taylor Swift 😍 She’s so sweet. Pumayag sya na mayakap. Then I just said “God bless you” and na-starstruck na ako 😍 Thank you LORD for this rare opportunity. YOU never fail na pa-kiligin and i-surprise ako in unexpected ways 🙌

A post shared by Robee Enriquez-Serrano (@robeeserrano) on

“After around 5mins, may mga bodyguard na pumaligid sa room.
Siguro dahil konti nalang kaming naiwan in the room kasama nila, hinayaan na nila ako makapagpa-picture and makipag usap kay Taylor Swift (emoji: heart-eyed face),” paglalahad ng Pinay.

“She’s so sweet. Pumayag sya na mayakap. Then I just said “God bless you” and na-starstruck na ako (emoji: heart-eyed face),” dagdag pa niya.

Inggit na inggit sa kanya ang mga Pinoy Swiftie.

“Aggghhhhh I’m sooooo jealous. Praying for that kind of momentum someday!!!,” sey ni @fatimeee92.

“(emoji: tatlong heart-eyed emoji) lucky!!!! (emoji: tatlong puso),” saad naman ni @miko_dumapi.

“Sana all talaga (emoji: heart-eyed face, puso, paputok) Congrats ate. (emoji: raising hands),” sambit ni @_sammypot.

Nasa Tokyo si Taylor para sa kanyang “Lover” fan meet event.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?