565

By

Sana all! Mister binigyan ng ‘Christmas bonus’ ang ‘napakabuting’ asawa

Tuwang-tuwa ang publiko sa isang mister na binigyan ng “Christmas bonus” na cash at gadgets ang misis sa pagiging “napakabuting nanay at asawa” nito.


Sumambulat sa paggising ni Donna Charrie Juniosa ang sorpresa ni Edmar Dizon Vergara na limpak-limpak na P500 at P1,000 bills at mga gadget kabilang ang isang Oppo A5 cellphone.

Halatang bagot ang bagong gising na misis ngunit nangingiti rin sa ginawa ng lalaki.

Sambit ni Edmar, deserving na magkaroon ng “Christmas bonus” ang lahat ng mga misis.

“Alam natin ‘pag housewife ang ating asawa, mas lalo natin dapat silang ma-appreciate, lalo’t sila ang nag-aalaga nang mabuti sa ating mga anak at magandang budget; sobrang sacrifice mag-alaga, maiba nature ng isang babae, lalo na at sanay sa work,” hayag ng mister sa Facebook nitong Disyembre 1, 2019.

“I’m so happy na ikaw ang nakilala ko sa buhay ko. I love you so much enjoy your new phone, gadgets at magshopping ka hehehe,” sabi pa niya.

Iba pa aniya ito sa Christmas gift na matatanggap ng misis mula rin sa kanya.

Inulan ng katagang “Sana all!” ang video ni Vergara, na as of Disyembre 13 ay meron nang 2.9K reactions, 365 comments, at 7.1K shares.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?