104

Oct 26, 2021 @ 15:34
By

Sana all! LizQuen 7 years na together

Masayang ipinagdiwang nina Liza Soberano at Enrique Gil ang ikapitong taon ng kanilang relasyon.

Isang simple ngunit romantic dinner date ang naging way of celebration ng dalawa sa ilang taon na rin nilang magkarelasyon.

Ibinahagi rin ni Liza sa kanyang Instagram story ang ilang kaganapan sa dinner date nila ni Enrique.

“Happy anniversary forevermore,” saad ni Liza sa kanyang caption sa video, kung saan makikitang inaawitan sila ng isang live singer sa gitna ng kanilang romantic date.

At syempre, hindi mawawala ang mga rosas na bigay naman ni Enrique sa kasintahan.

Bukod sa pagiging magkarelasyon ay nagsama na rin sa ilang pelikula ang LizQuen gaya ng ‘My Ex and Whys’ (2017), ‘Alone/Together’ (2019) at ‘Just the Way You Are’ (2015).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?