16

Oct 12, 2021 @ 15:44
By

Sana all! Jak Roberto may lupa na para sa dream house

Isa sa mga pangarap para sa “Adulthings” ngayon ang pagkakaroon ng sariling lupa.

Kaugnay nito, isa na ang Kapuso actor na si Jak Roberto sa na-checkan ang goal na ito.

Bumili na kasi siya ng lupa na siyang tatayuan niya ng kanyang dream house.

“Tumitingin na ko sa internet ng mga modern design, industrial, inaalam ko na kung pano ‘yung mga process niyan, kung paano ipapa-approve sa bangko yung mga papers na kailangan lakarin,” pagbabahagi ni Jake.

Anang aktor, kinokunsulta niya rin ang kanyang dyowa na si Barbie Forteza kaugnay sa kanyang dream house.

“Sabi ko ‘okay ‘yung ganito, okay kung gan’yan, no?’ Ta’s sabi niya, pagkabibisita siya, gusto na lang niya, makikita niya maganda ‘yung walk in closet, tapos ‘yung coffee ‘yung kapihan namin, ‘yung lugar,” sey niya. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?