6

Aug 7, 2020 @ 16:43
By

Sana all! Cavite pagaling na sa COVID – Remulla

Isa ang Cavite sa mga tinuturing na high-risk area sa COVID-19 pandemic matapos itong mapasama sa mga lugar na muling sinalang sa modified enhanced community quarantine.

Ngunit ilang araw pa lang ang nakakalipas ay binahagi ni Cavite Governor Jonvic Remulla na nakakabawi na ang kanilang lalawigan sa pagkalat ng nasabing virus.

Ayon kay Remulla, bumababa na ang transmission case ng COVID-19 sa kanilang lugar, na aniya’y nasa 756 na lang ang active case sa buong probinsya.

“Ang Cavite po ay on the way to recovery. Bumababa po ang aming transmission cases at kung mapapansin ninyo po sa lahat ng lalawigan na nakapaligid sa Metro Manila, ang pinakamababa po na growth rate ng COVID ay doon po sa Cavite,” lahad ni Remulla sa press briefing nitong Biyernes.

Nilinaw din ni Remulla na hindi siya lumalaban sa administrasyon kahit pa iba ang kanyang pananaw sa ilang pinapatupad ng COVID-19 task force tulad ng paglalagay ng barrier sa mga motorsiklo.

“Fake news po na ako ay lumalaban sa gobyerno dahil hindi kami nagkakatugma ng pananaw sa paraan ng pagpapatakbo dito sa krisis,” wika nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?