san-vicente
By

San Vicente Airport sa Palawan, binuksan na – DOTr

Sharing is caring!

Binuksan na ang San Vicente Airport sa Palawan City bilang tugon sa pagtaas ng bilang ng mga dayuhan at turista na dumarating sa bansa.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, malaking tulong ang pagbubukas ng bagong paliparan sa Palawan dahil biglang dumagsa ang mga turista at dayuhan na nais na makita ang ganda ng mga karagatan ng Palawan.

Sa kabila ng pagdagsa ng mga bisita sa Palawan, nakaalerto naman ang DOTr, Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Palawan Police sa seguridad ng Palawan.

Kasabay na rin ito ng pagsasara ng Boracay Island at sa Palawan na napiling gawin ang kanilang Summer vacations.

Pinangunahan ni DOTr Secretary Tugade, DOTr Undersecretary for Aviation and Airports Manuel Antonio Tamayo, CAAP Director Jim Sydiongco, at Palawan Governor Jose Alvarez ang naganap na inauguration kahapon ng San Vicente Airport.

Nabatid na sinimulan ang pagpapatayo ng P62.7 million airport project noong 2009, sa layuning nakapagbigay ng mas marami pang flights at ruta para sa mga pasahero na magpupunta sa Palawan Islands, at higit ba mapalakas ang First Flagship Tourism Enterprise Zone.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?