461

Jul 3, 2019 @ 16:26
By ,

San Sebastian Staglet Bonalos pumanaw sa heart failure

Malungkot na balita ang bumungad sa juniors basketball team ng San Sebastian College-Recoletos.

Pumanaw na ang isa sa mga manlalaro nito na si Miguel Bonalos sa edad na 20 noong Linggo dahil sa heart failure.

Kinumpirma ng eskwelahan ang balita sa kanilang Facebook page kasabay ng pag-abot ng pakikiramay nito.

“We extend our sincerest sympathy and deepest condolences to the family of Miguel Maurizio O. Bonalos. We pray that the Good God brings the Bonalos family peace, strength and comfort to their hearts during this hard time,” sabi ng San Sebastian sa Facebook.

Namatay si Bonalos dahil sa cardiac arrest isang taon matapos itong ma-diagnose na may sakit sa puso.

Sa huling season nito sa NCAA, nakapagtala ito ng 5.8 points at 5.2 rebounds per game para sa Staglets sa loob ng siyam na laro.

Nakalagak ang mga labi ni Bonalos sa Premier Room 1 ng Loyola Memorial Chape sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?