51

Sep 22, 2018 @ 15:24
By

San Sebastian hinahasa na ang sungay sa pagharap sa San Beda

Matinding paghahanda ang gagawin ng San Sebastian College – Recoletos Stags sa oras na muli nitong makaharap ang defending champions na San Beda University Red Lions.

Sa Huwebes, Setyembre 27, muling maghaharap ang dalawang tropa sa second round ng men’s basketball ng NCAA Season 94.

Sa panayam kay Stags coach Egay Macaraya, aminado siya na talagang malakas ang tropa mula sa Mendiola kaya susubukan nila aniya ang lahat para maalpasan ang Red Lions.

“Alam naman natin kung gaano sila kalakas but as I’ve said to my boys, eh ganun lang naman ‘yan. Show character and we’ll try our very best kung anong magagawa natin to stop na malakas na San Beda,” wika ni Macaraya.

Umaasa rin ito na kung anong nilaro nila sa kanilang huling laro ay ganun din ang maipapakita ng kanyang tropa sa pagharap nila sa San Beda.

Para naman kay Allyn Bulanadi, kailangan aniya nilang tapatan ang intensity ng laro ng defending champions at sinuguro niya na ibibigay nila ang kanilang 110 porsyento sa laro.

“Magsipag pa kami kasi champion team yan eh, kailangan lang namin na ma-outcome ‘yung intensity nila. Siguro kung ibibigay nila ‘yung 100 percent nila ibibigay din namin ‘yung 110 percent namin sa game,” sabi ni Bulanadi. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?