29

Jun 6, 2021 @ 14:45
By

San Roque Parish gagawing national heritage site

Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na gawing national heritage site ang San Roque Parish sa Caloocan City.

Sa botong 218 pabor at walang tumutol, inaprubahan ng Kamara ang House Bill 9346 na akda ni Caloocan Rep. Edgar Erice.

Inaprubahan ang panukala alinsunod sa polisiya ng Estado na proteksyunan ang mga historical site, monumento at iba pang lugar na nagpapakita ng nakaraan at kultura.

Ang San Roque Parish sa Caloocan ay itinayo noong 1765. Isa ito sa pinagtaguan nina Heneral Antonio Luna at Colonel Mamerto Natividad kasama ang kanilang mga tauhan noong Pebrero 10,1899, sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?