33

By

San Roque Dam nilubog ang 6 bayan sa Pangasinan

Sharing is caring!

Matapos magpakawala ng tubig ang San Roque Dam dulot ng pag-apaw sanhi ng bagyong Ompong, anim na bayan naman sa Pangasinan ang naapektuhan ng pagtaas ng tubig-baha.

Una nang nag-abiso ang pamunuan ng dam, na posibleng maapektuhan ang mga kalapit na bayan sa pagpapalabas ng tubig. Kaya naman sa kabila nito, ipinatupad ang forced evacuation para sa kaligtasan ng mga residenteng nakatira malapit sa dam.

Apektado ang mga bayan ng Bautista, Tayug, Bayambang, Binmaley, Burgos at Calasiao na umabot sa 2-feet ang taas ng tubig-baha.

Nabatid na umabot sa 1,395 cubic meters per second ang pinakawalang tubig ng dam noong araw ng Sabado, Setyembre 15, hanggang Linggo ay nananatiling nasa evacuation pa rin ang mga apektadong residente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?