34

Jul 18, 2021 @ 18:18
By

San Miguel olats, Romeo napilayan pa

Doble dagok ang nalasap ng San Miguel Beermen sa paguumpisa ng kanilang kampanya sa PBA 46th season nitong Linggo sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ito ay matapos silang pataubin ng Meralco Bolts, 93-87.

Bagamat hindi na bago sa Beermen ang matalo sa umpisa ng komperensya, tila kamalasan naman ang sinapit ng koponan nang napilayan si Terrence Romeo sa third quarter sa gitna ng isang matinding cross over move.

Naghahabol noon ang San Miguel sa iskor na 71-79. Sa taya ng mga nakasaksi, hyperextended knee ang tinamo ni Romeo.

At dahil hindi na nakabalik sa laro, ligwak ang Beermen sa fourth quarter.

Nanguna para sa Bolts si Chris Newsome na tumipa ng 17 points habang nagambag naman si Aaron Black ng 14 points para sa ikalawang panalo ng Meralco sa torneo.

Bago mapilayan, si Romeo ang nangunguna sa ratsada ng Beermen at tumapos pa nga ng may 18 points.

Ang bagong salta naman sa San Miguel na si CJ Perez ay kumana ng 17 points.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?