94

Jun 23, 2021 @ 20:12
By

San Miguel nagdagdag dalawang big man

Pinalakas na nga ay mas lalo pang lumakas ang San Miguel Beermen sa pagdagdag ng dalawang big man sa kanilang roster sa darating na season.

Binigyan ng tig-isang season na kontrata ang mga bench player na sina James Sena at Alfonzo Gotladera.

“Siyempre naghanap kami ng big men na available in the market. We’re looking for experience din and at the same time, yung isa naman youth. Sakto naman meron kaming nakuha,” pahayag ni team manager Gee Abanilla nitong Miyerkoles.

Beterano na si Sena at naglaro na rin para sa Meralco at Blackwater ngunit magbabalik sa San Miguel na siyang nagdraft sa kanya bilang 9th overall pick noong 2009 draft.

Samantala, si Gotladera ay gutom naman na patunayan ang kanyang sarili matapos igugol ang mga taon niya sa NLEX Road Warriors bilang bangko.

Gayunpaman, hindi maaasahan na mabababad ang dalawa dahil sa presensya nina June Mar Fajardo at Moala Tautuaa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?