118

Mar 16, 2020 @ 22:57
By

San Miguel gagawa, mamimigay ng alcohol kontra COVID-19

Gagamitin ng San Miguel Corporation (SMC) ang isa sa pasilidad nito para makalikha ng disinfectant alcohol na ipamamahagi sa mga komunidad laban sa COVID-19.

Ayon kay SMC president at COO Ramon Ang, kumukuha pa sila ng clearance sa gobyerno para makapag-produce ng 70 percent ethyl alcohol.

Nagsimula na umano silang gumawa ng disinfectant alcohol sa planta nila sa Ginebra San Miguel noong weekend.

Ang nabanggit na alcohol ang siyang ginagamit ng mga empleyado nila pero kailangan nila ng clearance ng gobyerno para naman maipamahagi ito sa publiko.

“We have the means and the capability to produce this and make it available for free to LGUs and public hospitals,” saad ni Ang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?