16

Nov 18, 2020 @ 22:04
By

San Miguel gagamit ng solar power sa Bulacan airport

Plano ng San Miguel Corp. (SMC) na magtayo ng 200-megawatt solar farm para sa kuryente ng New Manila International Airport project sa Bulacan.

Sinabi ng pangulo at chief operating officer ng SMC na si Ramon Ang nitong Miyerkoles na ang pasilidad ay isasagawa sa pamamagitan ng energy arm na San Miguel Global Power.

“The battery storage will be a viable solution to balancing electricity loads and storing unstable energy supply coming from the sun and other renewable sources of energy which we are looking to utilize for the airport,” paliwanag ni Ang sa inilabas na pahayag.

Patuloy aniyang namumuhunan sa mga teknolohiya ang SMC upang ang kanilang mga pasilidad sa kuryente ay kaunti lang ang magiging epekto hangga’t maaari sa kapaligiran

“Our approach has always been to use cutting-edge technology to shift sustainability to better fuels while balancing the needs of our country, economy, and people for affordable, reliable traditional fuel-based power,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?