35

By

San Miguel didribol sa FIBA Champions Cup?

Sharing is caring!

Napupusuang San Miguel Beermen ang magrerepresenta ng Pilipinas sa darating na 2018 FIBA Asia Champions Cup na didribol Setyembre 27 hanggang Oktubre 2 sa Thailand.

Ayon sa FIBA, San Miguel Beermen ang maglalaro para sa Pilipinas ngunit may laban ang PBA team na San Miguel Beermen kontra Magnolia Hotshot sa Setyembre 30 sa Araneta Coliseum.

Hindi malinaw ang mangyayari dahil sa mga nakaraang pahayag ng FIBA Asia, isang koponan mula sa PBA ang maglalaro ngunit wala pang opisyal na pahayag dito ang Samahang Basketbol ng Pilipinas at PBA.

Noong nakaraang taon, si Kiefer Ravena ang nanguna sa Chooks-to-Go Gilas Pilipinas na ipinadala.

Nagtapos sila sa ikalimang puwesto.

Maglalaro rin ang Mono Vampire Basketball Club ng Thailand, Petrochimi ng Iran, Liaoning Flying Leopards ng China at Toyota Tokyo ng Japan. (Aaron Brennt Eusebio)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?