3

Jan 15, 2021 @ 14:47
By

San Lazaro naghahanda na vs. bagong Covid-19 variant

Naghahanda na ang San Lazaro Hospital sa posibleng pagbulusok ng kaso ng Covid-19 dahil sa pagpasok ng bagong variant ng naturang virus sa bansa noong Miyerkoles, Enero 13.

“We’ve been preparing for this even before the holidays. We were expecting a surge of cases after the holidays,” ani Dr. Rontgene Solante, head ng San Lazaro Hospital’s Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine Department, sa isang panayam.

“Yes, we are ready for this eventual surge of cases especially the [new] variant is now here in the Philippines,” sambit niya.

Kinilala bilang isang 29-anyos na lalaki na umuwi mula United Arab Emirates ang nakapagdala ng bagong Covid variant sa bansa.

Tiniyak naman ni Solante na palalakasin ng kanilang pagamutan ang mga infection control measure oras na makatanggap sila ng pasyenteng may bagong virus variant.

Kasalukuyang hindi pa umaalpas ng 50 porsyento ang mga pasyenteng nasa naturang ospital.

“We’re still below 50 percent for the past 2 weeks after the holidays,” saad niya.

Dagdag pa niya, mino-monitor na nila ang mga bagong admit sa kanilang ospital lalo na ang mga darating sa ikatlo at ikaapat na linggo ng Enero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?