140

Jun 16, 2021 @ 16:23
By

San Juan tuturuang mag-bake mga residente

Inanunsyo ni San Juan City Mayor Francis Zamora na maglulunsad ito ng libreng bread at pastry production training para sa mga residente.

Ayon kay Zamora, layon nilang bigyan ng pangkabuhayan at negosyo ang mga residente sa gitna ng COVID-19 pandemya.

Ilulunsad ang libreng bread at pastry production training ng San Juan Skills and Livelihood Center mula June 21 hanggang July 22, Lunes hanggang Biyernes.

Ang mga requirement sa training ay tatlong 1X1 picture with full name, birth o marriage certificate at voter’s ID o anumang government ID.

Maliban sa bread at pastry production training, maglulunsad din ang local government ng libreng food safety seminar para sa mga food business owner, eatery owner, cook, food server at iba pang nagtatrabaho sa food industry sa June 18 ng 8 AM hanggang 5 PM via Zoom.

Ani Zamora, ang mga gustong sumali sa seminar ay kailangang may Mayor’s Permit o Business Permit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?