23

Mar 3, 2021 @ 16:28
By

San Juan sinimulan na pagbakuna kontra COVID-19

Dalawang doktor at isang opisyal ng ospital ang mga naunang naturukan ng Sinovac coronavirus vaccine sa San Juan City nitong Miyerkoles, Marso 3.

Binakunahan sina Dr. Edgar Michael Eufemio, Ms. Maria Louzel Diaz-Tiozon at Dr. Sergie Paul Hernandez sa Cardinal Santos Medical Center matapos dumating ang 300 doses ng bakuna sa ospital at hudyat ng pagsisimula ng vaccination drive sa lungsod.

Ani Mayor Francisco Zamora, panibagong 300 doses ng bakuna ang ihahatid sa San Juan Medical Center para sa mga medical frontliner.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Zamora na kinumpirma sa kanya ng Department of Health na ang unang local transmission sa Pilipinas ay isang pasyenteng mula sa Cardinal Santos Medical Center (CSMC).

Kasalukuyang naka-quarantine sa CSMC si Zamora matapos magpositibo sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?