108

Aug 17, 2019 @ 19:13
By

San Juan River, sasailalim sa rehabilitasyon

Tutulong ang kumpanyang Aboitiz Group sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang maisaayos ang rehabilitasyon ng San Juan River, isa sa pangunahing ilog na dumadaloy sa Pasig River.

Sa memorandum of agreement sa pagitan nina DENR Secretary Roy Cimatu, Aboitiz Equity Ventures Inc. at ng Aboitiz Foundation Inc. (AFI), pinagtibay dito ang pagpapatupad ng San Juan River Rehabilitation Plan.

Layunin ng naturang hakbang na mapababa ang polusyon ng tubig na dumadaloy sa San Juan River na isa sa pinaka-polluted na ilog na dumidiretso sa Manila Bay sa pamamagitan ng dredging at clean up activities.

“Today, we take a solid and resolute step towards winning the Battle for Manila Bay with the signing of a among the DENR, Aboitiz Equity Ventures and Aboitiz Foundation for the sustainable clean up and rehabilitation of San Juan River,” pahayag ni Cimatu sa ginanap na MOA signing sa DENR central office sa Quezon City.

Nabatid na isa rin ang Aboitiz sa mga kumpanyang naging ka-partner ng DENR sa isinagawa noong rehabilitasyon ng Boracay Island na matagumpay na nalinis.

“Let us applaud the DENR-Aboitiz Group partnership and hold it aloft as a model for more partnerships to follow,” pahayag ni Cimatu.

Nabatid na ang 11-kilometrong San Juan River rehabilitation ay tatagal ng tatlong taon na ipapatupad sa tulong ng AFI, isang social development arm ng Aboitiz Group.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?