20

Feb 10, 2021 @ 12:50

San Juan mayor gustong mauna sa Covid bakuna

Gustong mauna ni San Juan City Mayor Francis Zamora na maturukan kontra COVID-19 para mahikayat ding magpabakuna ang kanyang mga nasasakupan.

Ngayong Miyerkoles, tiningnan ng pambansang gobyerno ang paghahanda ng lungsod para sa rollout ng coronavirus vaccines.

Doon, binasa ng alkalde ang liham niya para kay Health Secretary Francisco Duque III.

Sa liham, hinihingi ni Zamora ang pag-apruba ng kalihim tungkol sa hiling niyang maunang maturukan ng bakuna sa San Juan.

Ayon sa alkalde, target nilang mabakunahan ang 85,400 ng kanilang kabuuang populasyon na 122,000.

Sa ngayon, dagdag ng alkalde, 3,708 healthcare workers at 19,494 non-healthcare workers ang nagpre-register na para sa COVID-19 vaccination program ng lungsod.

Narito ang link para sa mga residente ng San Juan na gustong libreng magpabakuna kontra coronavirus: http://120.28.52.92:8002/vaccine_registration/public/ .

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?