23

Feb 16, 2021 @ 19:25
By

San Juan mayor ayaw MGCQ sa Marso

Ilang alkalde sa Metro Manila ang hindi sang-ayon sa panukala na ilagay ang buong bansa sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) simula Marso 1.

Sa panayam sa telebisyon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, mas mabuti aniyang manatili muna ang Metro Manila sa GCQ o General Community Quarantine.

Dagdag niya, ang pagkakaiba lamang ng MGCQ at GCQ ay ang mga negosyo at industriya na papayagang magbukas.

Sa San Juan aniya ay nakakapagbukas naman ang mga establisyimento kaya naniniwala siyang mas mabuting manatili muna sa GCQ dahil paparating pa lamang ang bakuna.

“Eleven months na po tayo nasa ilalim ng krisis na ito. Kumbaga nasa dulo na po tayo. Konting tiyaga na lang. Nakikita ko na ‘yung linaw sa dulo ng pinagdadaanan natin,” sambit niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?