38

Feb 23, 2021 @ 18:34
By

San Juan may pauna ng bayad sa AstraZeneca

Senelyuhan na ng lokal na pamahalaan ng San Juan City ang kanilang mga COVID-19 vaccine matapos magbigay ng downpayment sa British-Swedish drugmaker na AstraZeneca kahapon.

“San Juan City already made a down payment yesterday, February 22, 2021, to AstraZeneca, as part of our contractual obligation for the 100,000 doses of vaccines we ordered,” wika ni Mayor Francis Zamora sa isang pahayag.

“While waiting for the vaccines, the city is preparing for their arrival including regular simulation activities to improve the vaccination process,” pagpapatuloy pa ng alkalde.

Aniya, 27,065 residente pa lamang ng naturang lungsod ang nakapagrehistro para sa malawakang pagbabakuna kung saan 3,456 dito ay mga health worker.

“This is 31.69% of the city’s target population of 85,400 residents to achieve herd immunity,” wika ni Zamora.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?