167

Mar 11, 2020 @ 12:05
By

San Juan may 7 residenteng may COVID-19

Inanunsyo nitong Miyerkoles ni San Juan City Mayor Francis Zamora na pito sa 33 nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ay mga residente ng kanilang lungsod.

Meron aniyang mga sintomas ng sakit pero nasa “stable condition” aniya ang mga ito.

“As of 6 p.m. yesterday, confirmed cases of COVID-19 in San Juan was at 7. Two new cases were added from the list released by the Department of Health (DOH) yesterday morning,” ani Zamora sa isang press release ngayong Miyerkoles, Marso 11, 2020.

Sa isang pulong kasama si Zamora at mga city hall official, sinabi ni DOH NCR Regional Director Dr. Corazon Flores na isang 64-anyos na lalaki mula Barangay Greenhills at 28-anyos na babae mumla Barangay Maytunas ang nagpositibo sa COVID-19. Naka-confine sila sa isang pribadong ospital sa Pasig.

Kahapon kinumpirma ng DOH ang lima pang kaso ng COVID-19 sa lungsod:

Isang mag-asawang 70-anyos na lalaki at 69-anyos na babae mula Barangay Greenhills na may travel history sa Bali, Indonesia at naka-admit sa isang private hospital sa Parañaque;

Isang 72-anyos na lalaki mula Barangay Little Baguio na walang travel history, hindi nakahalubilo ng COVID-19 positive patient, at naka-admit sa isang private hospital sa Pasig;

Isang 30-anyos na babae mula Barangay West Crame na naka-admit sa isang public tertiary health facility sa Manila; at

Isang 51-anyos na babae mula Barangay Corazon de Jesus na posibleng nakahalubilo ang isang COVID-19 positive patient, at naka-admit sa isang private hospital sa San Juan.

Sa ngayon, 33 na ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa ‘Pinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?