18

Jan 1, 2021 @ 20:47
By

San Juan lockdown agad kapag napasok ng bagong COVID

Magpapatupad ng localized lockdown ang San Juan City government sakaling tamaan ang lungsod ng bagong strain ng coronavirus.

Ani Mayor Francis Zamora, epektibo ang localized lockdown sa lungsod sa pagtiyak na napamamahalaan at nakokontrol ang COVID-19 case.

“We don’t need to impose lockdown to the whole city or the barangays because it will only affect our industry,” sabi ni Mayor Zamora.

Noong Disyembre ay 86 case ang naitala sa siyudad pero ani Zamora, “manageable” iyon kumpara sa 680 case noong Setyembre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?