23

Mar 9, 2021 @ 19:46
By

San Juan balik sa 10PM-5AM curfew

Balik sa 10PM hanggang 5AM ang curfew hours sa San Juan City.

Sa Facebook post, sinabi ni Mayor Francis Zamora na simula ang nasabing curfew hours ngayong Martes ng gabi upang tugunan ang pagtaas ng COVID-19 case sa lungsod.

Batay sa Executive Order No. FMZ-072, kabilang sa exempted sa curfew hours ang mga health worker at frontline personnel, pulis, militar at iba pang awtoridad na naka-duty pati na mga empleyado.

Sinumang lalabag sa curfew hours ay maaaring magmulta ng mula P20,000 hanggang P50,000 o pagkakulong ng mula isang buwan hanggang anim na buwan.

Nakapagtala na ng 4,046 kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa San Juan, 148 ang active case, at kabilang sa mga COVID-19 “high risk” area sa Metro Manila.

Mga minamahal kong mga San Juaneño, sa bisa ng Executive Order No. FMZ-072, Series of 2021, ibinabalik na po natin ang…

Posted by Mayor Francis Zamora on Monday, March 8, 2021

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?