102

Dec 22, 2017 @ 17:20

San Beda kampeon sa PSSBC Cup; 3-point shot ni Lagumen kumitil sa CKSC

Pumukol ng panapos na tres si JM Lagumen sa huling limang segundo na nalalabi sa orasan at naitakbo ng San Beda Red Cubs ang 66-65 panalo kontra Chiang Kai Shek College (CKSC) sa 6th PSSBC Dickies Underwear Cup sa SGS Stadium sa Quezon City.

Nakipaggirian nang husto ang Red Cubs sa Blue Dragons bago nagsilbing bayani si Lagumen sa naipasok na 3-point shot.

Bunsod nito ay naibulsa ng Red Cubs ang P80,000 cash at trophy, at tinanghal na unang koponan na nakakuha ng dalawang kampeonato simula ng 2014.

Sponsors ng liga ang Hapee Toothpaste, Blackwater, Freego Jeans, Poly Gloss, Rain or Shine, Che Lu Bar & Grill at MEC Computers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?