79

Jan 8, 2020 @ 20:47
By

San Beda humahabol sa Ateneo sa Korte Suprema

Produkto ng San Beda College of Law ang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong associate justice ng Supreme Court (SC).

Pinunan ni Court of Appeals Justice Samuel Gaerlan ang binakanteng puwesto ni ngayo’y Chief Justice Diosdado Peralta.

Sa nasabing paaralan din nagtapos ng abogasya si Pangulong Duterte.

Ayon kay dating SC spokesman Theodore Te, sa pagkakatalaga kay Gaerlan bilang ika-15 associate justice, nakabuntot na ang San Beda Manila sa Ateneo pagdating sa bilang ng mga graduate nito na naiupo sa SC.

“With the appointment of a 15th AJ, the composition of the SC according to school affiliations is Ateneo (5), San Beda Manila (4), UP (2), UST (2), Ateneo de Davao (1); USC (1). The top 3 (also the Division Chairs) come from UST, Ateneo, and UP,” tweet ni Te.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?