53

Sep 1, 2018 @ 15:24
By

San Beda handa na ang pangil sa malulupit na karibal

Sa Martes na magsisimula ang second round ng men’s basketball ng NCAA 94 at para kay San Beda University Red Lions head coach Boyet Fernandez mas magiging mahigpit ang laban sa ikalawang round ng liga.

Tangan ngayon ng defending champions ang 8-1 na baraha sa pagtatapos ng unang round at tanging sa Lyceum Pirates lang tumiklop ang mababangis na leon.

Sa panayam noong Biyernes kay Fernandez, sinabi ito na inaasahan na niya na mas magiging mahirap para sa kanila dahil nakita niya aniya na magagaling din ang bawat manlalaro ng ibang koponan.

“It could be a tough match-up for us. Nakita niyo naman ‘yung stars ng ibang schools, they’re really good and I’m happy that I coach them one time, at least alam ko kung gaano sila kagaling,” ani Fernandez.

Inamin din nito na talagang mahirap ang season na ngayon at umaasa siya sa pagtatapos ng season na ito ay muli silang mamayani at manaig.

Sa Martes sasabak agad ang San Beda kontra sa hirap pa rin na Jose Rizal University Heavy Bombers na noong unang round ay tinambakan nila nang halos 30 puntos. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?