8

By ,

San Beda coach Boyet, bwisit sa kanyang tropa

Sharing is caring!

BAGAMA’T napigilan ng San Beda University Red Lions na mabawiian sila ng Colegio de San Juan de Letran Knights sa kanilang muling paghaharap sa NCAA 94 noong Martes, hindi masaya si coach Boyet Fernandez sa pinakita ng kanyang mga manlalaro.

Sa panayam kay Fernandez, sinabi nito na sobrang nabwisit siya sa kanilang nilaro sa fourth canto dahil lamang sila ng 22 puntos pero nagawang maibaba ito sa 68-69, sa pagtala ng Knights ng 23-2 run.

“I’m really pissed off with the way we played in the fourth quarter,” saad ni Fernandez.

Sinabi din nito na dapat alalahanin ng kanyang tropa na matatapos ang laro kapag tumunog na ang final buzzer ng laro at doon lamang sila pwedeng magpakampante.

“I hope that they realize what (happened) right now. The game is not yet over until the final buzzer sounds,” dagdag nito.

Sa Biyernes ang sunod na laro ng tropa kontra sa host school na Perpetual Help.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?