180

Apr 29, 2018 @ 22:51

San Beda binugbog ang Gilas Cadets

Kinawawa ng San Beda Red Lions ang Gilas Cadets matapos iwasiwas ang huli, 91-70 sa Filoil Flying V Preseason Cup kanina sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Dahil sa panalo, umakyat na ang kartada ng Red Lions sa 2-1 sa Group A habang sumadsad sa ilalim ang Cadets 0-3.

Umabot pa sa 30 ang lamang ng San Beda sa fourth quarter mula sa layup ni Calvin Oftana.

Bagama’t naibaba ng Cadets ang lamang sa 18, 80-62, muling itong pinalobo sa 23 mula sa tira ni Javee Mocon, 1:42 na lang ang natitira sa laban.

Bida sa Lions si James Canlas na may 16 puntos habang may 13 puntos at 13 rebounds si Donald Tankoua.

Namuno sa Cadets si Carl Tamayo na may 13 puntos habang may 11 points at five boards lang si Kobe Paras.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?