35

Oct 26, 2018 @ 20:13
By ,

San Beda balik-finals, target ang 3-peat

Isang rematch ang magaganap sa men’s basketball ng NCAA 94.

Balik sa finals ang defending champions San Beda Red Lions nang padapain ang host University of Perpetual Help System Dalta, 83-72, Biyernes sa FilOil Flying V Centre.

Bago ito, nauna nang bumalik sa finals ang karibal na Lyceum Pirates matapos ang 109-85 victory kontra Letran Knights.

“It’s really tough game, facing Perpetual, facing coach Frankie (Lim), I like to congratulate my players for a job well done but again it’s not yet over we still have title to defend against Lyceum,” wika ni San Beds coach Boyet Fernandez.

Naging pangunahing bala ng Red Lions si Robert Bolick na pumoste ng 23 puntos at apat na rebounds katuwang si Javee Mocon na may 14 puntos at 15 rebounds.

Nagpapasalamat si Bolick na muli silang nabigyan ng pagkakataon na madepensahan ang kanilang titulo sa ikatlong sunod at muling makaharap ang Pirates sa pagtatapos ng season dahil ito aniya ang nais ng mga manunuod.

“First, salamat kay God na nabigyan kami ng opportunity na maglaro at buong San Beda community, kay coach Frankie (Lim) ‘yung game plan niya, salute sa magandang season sa kanila. I hope maging okay sila para next year sa kanila,” ani Bolick.

Sa Nobyembre 6 ang Game 1 ng best of three finals sa Mall of Asia Arena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?