35

May 17, 2021 @ 11:26
By

San Beda alumni kay Duterte: Bawiin mga hirit sa West PH Sea

Giniit ng San Beda alumni na dapat bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging pahayag nito tungkol sa West Philippine Sea (WPS).

Sa ‘fraternal statement of concern’, aabot sa 125 graduate mula sa San Beda ang nagsabi na i-retract ang kanyang pahayag na ‘papel’ lang umano ang arbitral ruling at dapat itong itapon sa wastebasket.

“When a part of our country’s territory is taken against our will by the People’s Republic of China and our countrymen, particularly the fishermen, are threatened with force from exclusively enjoying our nation’s marine resources, the President is solemnly bound to uphold, defend, and protect his countrymen and the integrity of our national territory,” pahayag ng mga graduate mula San Beda.

Nais din ng mga graduate mula San Beda na dapat pagtibayin ni Duterte ang mandato sa ilalim ng Konstitusyon na sundin ang exclusive economic zone (EEZ) at teritoryo ng ‘Pinas.

Matatandaan na noong May 5 ay tila binalewala ni Duterte ang desisyon ng Hague na teritoryo ng Pilipinas ang WPS.

Si Duterte ay graduate din ng San Beda, kung saan nag-aral siya ng abogasya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?