220

Sep 9, 2020 @ 23:03
By

San Antonio, Nueva Ecija mayor nakaligtas sa ambush

Nakaligtas sa pananambang si San Antonio Mayor Arvin Salonga.

Ayon sa ulat, pinagbabaril ang biktima ng mga suspek na nakasakay ng motorsiklo habang nasa isang tulay sa Jaen, Nueva Ecija nitong Miyerkoles.

Walang natamong anumang sugat si Salonga pero sugatan ang bodyguard niya dahil sa bala.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat, 12 na basyo ng bala ang narekober mula sa crime scene.

Tingin ni Salonga, walang kinalaman sa politika ang motibo ng pananambang sa kanya dahil wala naman siyang nakatunggali noong nagdaang eleksyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?