14,615

Jun 15, 2020 @ 22:47
By

Sampal sa GMA, TV5: ABS-CBN ‘best’ network pa rin – Locsin

Suportado ni Foreign Affairs Secretary Teddyboy Locsin Jr. ang pagbabalik sa ere ng ABS-CBN.

Ani Locsin, dapat payagan nang mag-operate ang ABS-CBN dahil ito pa rin ang “best” TV network pagdating sa news at entertainment habang ang iba raw ay mga amateur lang.

Sa tweet nagpasalamat si Locsin sa pag-uulat ng ABS-CBN ng katotohanan.

“Thank you for that piece of truth. This is why ABSCBN should be back on the air: it is still best at providing what the public needs to know: facts and entertainment. The rest are amateurs,” wika ni Locsin.

Si Locsin ay dating host ng “The Assignment” sa Channel 2.

Huli niyang programa sa ABS-CBN News Channel ang “No Filter” bago siya kinuha ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang PH representative to the United Nations noong 2016.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?