86

Jan 18, 2021 @ 20:57
By

Sampal sa akin! Vlogger nagsalita sa relasyon ng ex-BF kay Meryll Soriano

Naging bukas si influencer Crisha Uy tungkol sa bagong relasyon ng ex-boyfriend niyang si Joem Bascon kay actress Meryll Soriano.

Matagal na raw niyang alam ang relasyon ng dalawa.

Walong taon tumagal ang relasyon nina Uy at Bacson hanggang sa kinansela nila ang kanilang engagement noong 2019.

Kumalat ang mga balitang iniwan ng aktor ang vlogger para makipagbalikan kay Soriano.

Nito lamang ay natuldukan ang mga espekulasyon nang mag-post ng ilang litrato si Soriano kasama si Bascon at kanilang baby ilang araw matapos ang New Year.

Ani Uy, ilang article tungkol doon ang naka-tag sa kanya.

“I thought it was an early birthday greeting. Turns out it was big news! I knew about their relationship…long way before those were uploaded,” aniya.

Inamin niyang nagalit siya nang mabasa ang mga article tungkol sa bagong relasyon ni Bascon.

“When I was reading the article iyong naramdaman ko that day was nagalit ako. Nagalit ako kasi bumalik iyong feelings ko na I was betrayed all over again. Iba pala iyong feeling na nakita mo versus kinuwento or tsinika lang sa iyo,” dagdag niya.

“Finally, finally na-confirm ko na nagsinungaling talaga siya noon. That I was lied to na. Kasi I gave them [the] benefit of the doubt eh before pero iyon nga, sampal pala sa mukha nung nakita ko iyon. Sampal sa mukha na tama pala ang hinala ko. Na ‘Finally, girl! Confirmed,’ ganun, ganun iyong feeling,” patuloy pa niya.

Magugunitang naging viral noong January 2020 si Uy matapos mag-upload ng emotional video kung saan ikinuwento niya ang breakup kay Bascon. Iniwan daw siya ni Bascon dahil “he fell out of love.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?