23

Aug 13, 2021 @ 14:51
By

Samira Gutoc sinamahan si Isko sa Aksyon Demokratiko

Masaya si Manila Mayor Isko Moreno na mapabilang si dating senatorial candidate Samira Gutoc sa Aksyon Demokratiko.

Isa na si Gutoc sa national executive board habang si Moreno ang newly-elected president ng partido.

Ayon kay Ernest Ramel, Aksyon Demokratiko chairperson, “perfect fit” si Gutoc sa partido dahil sa magandang record nito sa public service lalo na sa pagtulong sa kababaihan at mga bakwit.

Kamakailan ay nagkausap umano sina Gutoc at Moreno sa city hall at nagpahayag ang grupo nito ng pasasalamat sa pagtatayo ng lungsod ng kauna-unahang Muslim Cemetery at Cultural Hall.

Matatandaang kabilang si Gutoc sa mga kandidato ng Otso Diretso na tumakbo sa pagka-senador noong 2019 elections ngunit natalo.

Sa kabila nito, handa umano si Gutoc na muling tumakbo sa susunod na eleksyon kung may pondo siya para sa kampanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?