2,722
same-sex-marriage
Jun 24, 2018 @ 15:23
By

Same-sex marriage, malabo pa sa Pilipinas – Roman

Pinayuhan ni Bataan Rep. Geraldine Roman ang Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender (LGBT) community na maging makatotohanan sa usapin ng same-sex marriage.

Kasunod ito ng inaning mga batikos mula sa dismayadong LGBT dahil sa kanyang paniniwala na mas madaling kumbinsihin ang mga kasamahang kongresista para ipasa bilang batas ang civil partnership.

“To say that the Philippines and Congress are already ready for same-sex marriage would simply be dishonest,” ayon kay Roman.

Iginiit ni Roman na ang civil partnerships sa ilalim ng House Bill No. 6595 ay magbibigay ng parehong mga karapatan at obligasyon gaya ng sa opposite-sex marriage.

“Should we fight for something that will never win at this point in time? Or should we lobby for something that will give us practically the same rights and obligations and that has more certainty of being passed into law?” ani Roman.

“A dose of realism will definitely guide us in choosing the right path,” dagdag ng kongresista.

Binigyang diin rin nito na hindi siya aktibista na “all-or-nothing” ang approach sa mga isyu.

Malayo na rin naman anya ang narating nang pagsusulong ng mga karapatan ng LGBT sa pamamagitan ng naipasang Sexual Orientation and Gender Identity or Expression Equality Bill sa Kamara, kaya hindi ito dapat sayangin para makamit ang iba pa nilang hangarin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?