687

Samboy Lim pinatayuan ng estatwa

Sharing is caring!

Bilang pagbibigay-pugay sa isa sa itinuturing na PBA greats, nagtayo ang isang lungsod ng estatwa para kay Samboy ‘Skywalker’ Lim.

Nitong Linggo ay pinasinayaan ang nasabing estatwa, na nasa tapat ng isang basketball gym sa Lungsod ng Valenzuela sa pangangasiwa ni Cong. Eric Martinez.

Si Lim ay ay kabilang sa ‘PBA’s 25 Greatest Players’ at kasali rin sa PBA Hall of Fame Class of 2009.

Nakuha niya ang bansag na ‘Skywalker’ dahil sa malulupit na bitin sa ere at pambihirang lundag.

Matatandaan na nag-collapse si Lim noong 2014 sa isang laro ng mga PBA legend, at hanggang ngayon ay ‘di pa rin maikilos ng buo ang katawan. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?