66

Dec 4, 2021 @ 22:35
By

Samantha Panlilio ligwak sa Miss Grand

Bigong makapasok sa top 20 ng Miss Grand International ang pambato ng Pilipinas na si Samantha Panlilio ngayong Sabado sa Thailand.

Bagamat bigo, bago ang coronation night ay nakapasok si Samantha sa top 10 ng best in national costume at top 5 sa best in swimsuit sa pamamagitan ng popular vote.

Samantala, ang mga nakapasok sa top 20 ay ang mga pambato ng: Costa Rica, Ecuador, France, Australia, Malaysia, Brazil, India, Colombia, Myanmar, Netherlands, Nigeria, Germany, Indonesia, Spain, Dominican Republic, Vietnam, Puerto Rico, Venezuela, South Africa at Angola.

Sa pagkabigo ni Samantha, wala pa ring Pinay na nagwagi ng korona sa Miss Grand International.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?