36

Dec 5, 2021 @ 17:59
By

Samantha Panlilio ‘heartbroken’ sa resulta ng Miss Grand

Bagamat inamin niya na siya ay ‘heartbroken’ sa naging resulta ng Miss Grand International 2021, ‘grateful’ pa rin naman ang naging pambato ng Pilipinas na si Samantha Panlilio.

Isang araw matapos ang naging coronation night, inilabas ni Samantha sa kanyang Instagram post ang saloobin matapos mabigong makapasok sa top 20.

“Thank you all for the love and support. I am completely heartbroken but I know that I did my best and that’s all that matters. I feel nothing but grateful. My heart is warm,” aniya.

Pinasalamatan din niya ang mga taong tumulong sa kanya sa naturang kompetisyon.

“Words can’t describe how grateful I am for your support and dedication to this journey of ours,” wika ni Samantha.

“To @bbpilipinasofficial for giving me this opportunity of a lifetime. And last but not the least, to my Samblazers, the Philippines for all the support, mahal ko kayong lahat. See you very soon,” dagdag pa nito.

https://www.instagram.com/p/CXFlRqPPTES/?utm_source=ig_embed&ig_rid=ebfedce9-124a-46ac-a08b-c55a0729cabb

Ang pambato ng Vietnam na si Nguyen Thuc Thuy Tien ang kinoronahan bilang Miss Grand International 2021.

Pumangalawa naman ang pambato ng Ecuador, sinundan ng taga Brazil, Puerto Rico at South Africa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?