12

Jan 10, 2022 @ 15:24
By

Samantha Bernardo nadale ng Covid

Hindi rin nakaligtas ang ex-Pinoy Big Brother housemate na si Samantha Bernardo sa bagsik ng COVID-19.

Matapos ang kaniyang pagbabalik mula sa loob ng Bahay ni Kuya, inanunsyo ni Samantha na positibo siya sa virus.

“I would like to inform everyone that I tested positive for my PCR test yesterday. It’s unfortunate because I was supposed to do a lot of work, but this calls for home quarantine and rest days,” caption ni Samantha sa kaniyang Instagram.

https://www.instagram.com/p/CYiLp8FPJS5/?utm_medium=copy_link

Ayon pa sa dating beauty queen, naaalala pa niya ang mga panahon sa loob ng PBB house kung saan hindi nila kailangan magsuot ng face mask at maari pang makapagyakapan.

Sa ngayon, nakararanas daw siya ng banayad na sintomas kagaya ng sipon ngunit may pang-amoy at panlasa pa rin siya.

“I am feeling weak and have colds as symptoms but I am still able to smell and taste,” saad nito.

Pinangako naman niya sa kaniyang mga tagasuporta na mas aalagan niya pa ang kaniyang sarili at i-u-update niya ang mga ito tungkol sa kaniyang kalagaya sa livestream.

“I promise that I will take care of myself and hopefully recover faster. I will still do some kumu livestream to upsate you guys froms tues thurs and sat at 6pm. stay safe and healthy everyone. Health is wealth! Love you all,” dagdag pa nito.

Kahit na masamang balita ang kaniyang ibinahagi, hindi nakalimutan ni Samantha na mag-post ng pang-awrahan na litrato.

“Posting this picture para ka-vogue pa rin kahit quarantine.”

Si Samantha ay kabilang sa final five housemates ng “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?