68

By

Sama-sama sa Valentine’s! Duterte, gabinete nanood sa Sergio Mendes concert

Napuno ng mga top official ang concert ng renowned jazz musician na si Sergio Mendes sa Solaire Resort.

Nitong Valentine’s Day, sama-samang nanood sina Pangulong Rodrigo Duterte at ilang mga cabinet member kasama ang kani-kanilang asawa.

Naispatan sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Budget Secretary Benjamin Diokno, PCOO head Martin Andanar, DPWH Secretary Mark Villar, Cabinet Secretary Karlo Nograles, Health Secretary Francisco Duque, Finance Secretary Carlos Dominguez III at Presidential Assistant Mike Diño sa nasabing concert.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?