73

Jan 28, 2021 @ 13:24
By

Sam Y.G. engaged na!

Engaged na si radio host Sam Y.G. sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Essa Santos.

“Essa ‘YES.’ ‘Let me love you for the rest of my life?’,” caption ni Sam sa Instagram kalakip ang hashtags #ItsAlwaysBeenYou, #SignedSealedDelivered, at #SwerteKoLang.

Pinasilip rin niya sa madla ang eksena ng kanyang pagpo-propose at ang itsura ng engagement ring.


Nagkuwento rin si Santos tungkol sa proposal.

“Kung kelan naka pambahay lang… I ugly-cried the whole time. Have to say I did not expect this proposal at all —I kinda wish I did para mas prepared ako, but it makes for a great story anyway!” sabi ni Essa sa IG.

“It was always gonna be an ‘of course’, my love. Thank you for this wonderful-amazing experience. I am truly the luckiest girl! I love you in all ways, always. ♥️♥️♥️,” sey pa niya.


Naging magdyowa sina Sam at Essa noong 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?