5

Oct 30, 2020 @ 10:51
By

Sam Smith naglabas ng ika-3 album

Trending ngayong Biyernes ang English singer and songwriter na si Sam Smith.

Inilabas na kasi ang third album ng singer na “Love Goes”, na may 17 fresh songs.

Available ang “Love Goes” sa Spotify.

https://www.instagram.com/p/CG7oJE6A4oN/

Magugunitang kamakailan lang nang mapa-wow si Sam sa viral karaoke video ng isang Pinoy student na kuha sa mall.

Kinanta ng estudyante ang “Too Good at Goodbyes” at marami ang humanga dahil kaboses niya si Sam.

“WHO IS THIS KID!!!!!? YOU ARE OUT OF THIS UNIVERSE WHOEVER YOU ARE,” sambit ni Sam kung saan ni-retweet niya ang viral video.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: