102

Feb 13, 2021 @ 15:03
By

Sam Pinto, nobyo gusto ng 2 kasal

Nais ng modelo na si Sam Pinto at professional basketball player na si Anthony Semerad na magkaroon ng dalawang kasalan sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Ito ang ibinunyag ng aktres sa kanyang Instagram post kung saan makikita ang prenup shoot nila ng kanyang future mister.

Anang dating “Pinoy Big Brother” housemate, ikakasal sila ni Semerad sa isang civil wedding sa Marso 8 na dati pa nilang plano bago ang pandemya.

“This date has been set pre-COVID. And everything/everyone was booked already. That’s why we’re still pushing through even with a VERY small civil wedding (literally like 4 guests lol),” anang dating housemate.

Sunod nito ay magkakaroon sila ng “semi bigger wedding” kasama ang mga malalapit na tao sa kanila.

“Claiming this is our year! Only peace, happiness, blessings and positive vibes! Everything that is happening is supposed to happen,” aniya.

Taong 2019 nang na-engage ang dalawa sa isa’t isa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?