510

Oct 16, 2017 @ 16:12

Sam Pinto, kulang sa landi at harot

Dawn Zulueta lookalike ang say ng mga followers niya sa bagong itsura ni Sam Pinto. Blondina nga kasi ang dating niya ngayon, na mas nagpaangat ng ganda niya.

Sa totoo lang, isa si Sam Pinto sa mga showbiz girls na ang laki sana ng potential, na puwedeng sumikat talaga. Lalo na at maraming big names din sa showbiz ang super-back up sa kanya.

At si Sam, wala rin naming kiyeme, kung pagpapaseksi rin lang ang pag-uusapan. Hindi ba, ilang beses din siyang naging Sexiest Pinay ng men’s magazine na FHM. Ang dami nga niyang kinabog noon.

Pero, ano nga ba ang kulang, at bakit hindi umangat-angat ang career ni Sam? Bakit kahit saan siya dalhin, palaging may kulang?

Ano nga ba ang kulang sa kanya? Maganda. Matangkad. Seksi. Mga katangian na hanap-hanap ng mga boys, at sangkap na ginagamit ng maraming babae, para sumikat.

Eh, lahat nga `yon, taglay-taglay ni Sam, pero bakit nga ba ayaw pa ring umusad ng kanyang career? Bakit hanggang ngayon, hindi pa rin siya ginagawang bida sa pelikula o TV.

Ang pinakamalaki yatang na-achieve niya sa TV ay ang maging ‘kaharutan’ ni Coco Martin sa Ang Probinsyano. And after that, waley na ulit.

Sabi, parang kulang daw kasi sa elya si Sam. Parang medyo flat ang personalidad niya. Kulang sa landi. Landi na kapag nasilip ng mga boys, hahanap-hanapin nila.

‘Yun yata ang wala kay Sam, eh. At `yun yata ang dapat pag-aralan ni Sam, ang maging malandi, maharot sa harap ng kamera, na hindi sinasadya.

O baka ayaw rin ng mga boys na ang tulad ni Sam na sexy star ay may boyfriend na atleta, si Misagh? Baka mas type nila talaga ang single lang, na parang sa imahinasyon nila ay kayang-kaya nilang angkinin.

Well, mahaba pa naman ang chance ni Sam, at sana nga, habang hindi pa siya nagpapakasal, makuha na niya ang kiliti ng mga boys. (DONDON SERMINO)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?